Iniutos ni Manila Mayor Joseph Estrada na paigtingin ang kampan­ya laban sa heat stroke partikular na ngayon na patuloy ang pag-init ng panahon at para mabigyan ng proteksiyon ang mga Manilenyo na protektahan ang kanilang sarili dahil sa mataas na banta ng nakamamatay na heat stroke.

Kasabay nito, inatasan ni Estrada ang Manila Health Department (MHD) na maglibot sa mga barangay para paalalahanan ang mga residente tungkol sa mga usong sakit sa panahon ng tag-init tulad ng heat stroke, at turuan na rin sila ng pagbibigay ng first aid.

Sinabi ni Estrada, hindi dapat binabalewala ang heat stroke dahil nakamamatay ito.

Tiniyak naman ni Estrada na handa ang anim na pampublikong ospital at 59 community health centers ng lungsod upang tugunan ang anumang medical emergencies.