Pansamantalang hindi itinuloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang nakatakda sanang proclamation rally ng mga senatorial candidate na sinusuportahan nito sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Limay, Bataan matapos ang nangyaring lindol na yumanig sa Luzon noong Lunes.
Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na makabubuti umano na kanselahain ang kanilang kampanya sa nasabing bayan sa Biyernes para mabigyan ng pagkakataon ang lalawigan para sa kanilang recovery matapos ang Magnitude 6.1 na lindol.
“We deemed it best to cancel the Limay, Bataan rally on April 26 to allow Pampanga and Bataan to focus on their post-incident activities. Thank you,” ani Mayor Duterte. (JC Cahinhinan)