Dahil sa papalapit na 2019 mid-term election ay nanawagan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director General Guillermo Eleazar sa mga residente ng Metro Manila na may hawak ng hindi lisensyadong baril o expired na ang lisensya na isuko na sa kapulisan ang kanilang mga armas.

Ayon kay Eleazar, patuloy ang ginagawang Oplan Katok ng kapulisan sa Metro Manila upang isuko ng mga residente ang kanilang mga hindi lisensyadong baril at expired na ang lisensya sa pulisya ay para sa safekeeping hanggang sa matapos ang eleksyon.

“For safekeeping and tinutulungan natin sila na ma-renew yung license at tayo ay nanawagan sa ating kababayan na kung meron silang baril na expired o unlicensed, they just have to coordinate with the nearest station and kami ang pupunta doon para marecover natin for temporary safekeeping.­ Wala pong kaso. ‘Di natin sila kakasuhan o aarestuhin ng may hawak ng baril na to,” pahayag ni Eleazar sa panayam sa ginanap na PMA Homecoming sa Baguio City.