Kampanya sa social media hindi hihigpitan – Comelec

comelec-building-at-logo

Rerepasuhin umano ng Commission on Elections (Comelec) ang panuntunan sa pangangampanya sa radyo at telebisyon ng mga kakandidato sa 2016 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kabilang sa kanilang pag-a-update sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ang hindi paghihigpit sa mga kandidatong mangampanya sa pamamagitan ng social media lalo na’t libre lang ito.

Gayunman, kung gagamit umano ng pera ang mga kandidato sa social media campaign ay dapat na mapabatid umano sa komisyon.

Naniniwala ang tagapagsa­lita ng Comelec na hindi na umano kailangan pang habaan ng mga kandidato ang kanilang anunsyo dahil sapat umano ang 120-mi­nutes na political advertisements ng mga ito sa telebisyon, at 180-minutes sa radyo.

Binanggit din ni Jimenez na noon pang 2016 elections nila ipi­natutupad ang nasabing airtime kaya naniniwala itong malalatag ng mga kandidato ang kanilang mga plano at plataporma.