
Matindi ang naging labanan sa finals ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa The Arena, San Juan, nasagad sa limang sets kung saan pahirapang tinaob ng Petron ang F2 Logistics, 26-24, 24-26, 24-26, 25-23, 15-11 upang sikwatin ang titulo.
Pitpitan ang Game 2 dahil nauwi sa 24-All ang laban sa unang tatlong sets.
Nagsanib puwersa sina Cherry Rondina, Most Valuable Player, (MVP)Aiza Maizo-Pontillas at Bernadeth Pons upang bitbitin ang Blaze Spikers at walisin ang Cargo Movers sa kanilang best-of-three series ng torneong suportado ng Rebisco, Gold’s Gym at Belo, kasama ang TV5 bilang official broadcast partner.
Bumira si Rondina ng 16 points kasama ang 14 kills at dalawang service aces habang may 14 at 12 markers sina Pontillas at Pons.
Tabla ang iskor sa 11-All sa fifth set bago humataw ang 4-0 run ang Petron kasama ang service ace ni Frances Molina upang tapusin ang laro na tumagal ng mahigit dalawang oras.
Dikdikan ang naging banatan sa set 2 parehong nagtangkang lumayo ang Blaze Spikers at Cargo Movers subalit sa huli ay dikit lang din nagkatalo.
Naunang umalagwa ang F2 Logistics, 14-8 subalit humataw ang Petron ng 7-1 run upang magkita sa 15-All ang iskor sa set 2.
Nagkaroon ng palitan ng iskor kaya hindi nagkaiwanan pero matapos ang 20-20 ay bumira naman ang Petron ng 4-0 run para mauna sa set point, 24-20.
Lumabas ang pagiging kampeon ng Cargo Movers, hindi sila bumigay sa laban kaya nakuha nila ang anim na sunod na puntos upang itakas ang mahirap na panalo at ilista sa tig-isang set tungo sa third frame.
Nag-ambag din sina Molina at national team member Mika Reyes ng 10 at walong puntos para sa Petron.
Si Ara Galang ang namuno sa opensa para sa cargo Movers matapos ilista ang 20 puntos mula sa 17 spikes at tatlong service aces habang may 13 at 10 pts. sina Majoy Baron at Em Tiamzon.
pag nasungkit uli ng pocari sweat ang pvl open mag harap sila ng petron sa isang best of seven championship series na tatawagin philippine volley ball championship