May tatlong pangmalakasang chika tungkol kay Coleen Garcia. Siyempre pa, hindi siya pwedeng i-the WHO lalo na nga’t isa siya mga starlet na naging star na. Naging bida sa mga teleserye, pati na rin sa pelikula.
Ang unang chika, siyempre, ang quest at vow nila ni Billy Crawford na maging best parents sa kanilang future kids. Ang dalawa ay nasa extended honeymoon stage. Relatively younger ang tunay na Mrs. Crawford kaya alam nating in God’s perfect time, ang mabibilis na punla ni Billy, mapupuruhan rin ang malulusog na itlog ni Coleen and a baby Crawford will come forth.
Chika number 2, how true na sasakabilang bakod na si Garcia sa Kamuning station? Marami ang nanalig at hindi na ito basta bulung-bulungan lang, na before we can even say Coleen, ang tisaying istariray, nakapagkandirit na sa pagiging Kapuso? Sa tamang panahon, malalaman natin kung ang dating taga-Star Magic Kingdom at Mother Ignacia, aariba sa pagiging bida o kontrabida sa GMA 7.
Ang pinakapasabog na chika ay ang pangatlo, how true na si Coleen nga ba ang itinuturong bida sa isang bidyo?
May katotohanan nga kaya ang kuwento na nawala diumano ang mobile phone ni Garcia at ang kasunod na sitsit, ang viral video kung saan makikita ang isang babaeng walang halong pag-iimbot at buong katapangang binabalandra, pinagyayabang ang kanyang alindog at pagkababae, na tila may tinatakam pa ito ay siya nga?
Ang aking impeachable source, may tanong na patungkol sa babae sa bidyo, “Look alike lang, ‘di ba?”
Hindi ko masagot ang tanong dahil once ko lang pinanood ito. Sa true lang, sa biglaang tingin, uncanny ang resemblance of the woman in the bidyo sa artistang itinuturo.
Wala na akong balak na panoorin pa itong muli para kumpirmahin kung siya nga iyon. May pananalig ang diva that you love na lookalike niya lang ang babae. Ang itinuturong salarin, may pananalig ako wala sa personalidad nito na magbida sa ganung klaseng bidyo.
Deleted ko na ang bidyo, agad-agad! Ang lambing ko sa aking impeachable source, mas bet ko na ang bida sa mga bidyong ipapadala niya sa malapit na hinaharap, ay mga nilalarong hinaharap ng mga hombre. Parang mas expertise ko yun. Charot! Hahahaha!
Napag-alaman na hindi ang aktres ang nasa naturang video, isang foreigner na kahawig nito na makikita sa porn site at nag-match ang undies na suot nito sa video.