Hindi umano ugali ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumanggi sa hiling ng mga politiko na makipag-selfie o maitaas ang kamay ng mga ito para iendorso ang kanilang kandidatura.
Ito ang inihayag ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na partido ng alkalde kasunod ng puna ng mga kritiko na ilan sa mga pinangalanan sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naitaas niya ang mga kamay batay sa ginawang paglilibot ng kanilang mga kandidato sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Ayon sa pahayag ng HNP, mas pinili ng alkalde na huwag kumuha ng kopya ng narco-list dahil ipapaubaya niya sa mga botante ang pagpapasya kung sino ang inaakalang karapat-dapat na iboto sa midterm elections sa Mayo.
“Mayor Inday Sara Duterte will never turn down politicians who would publicly request her to raise their hands. Moreover, she chose not to get a copy of the list of ‘narco politicians’ because she would rather leave it to the voters to decide on the qualifications they look for in a candidate above and beyond what is required by law,” pahayag ng HNP.
Naniniwala umano ang HNP na ang boto para sa isang kandidato ay dapat personal na desisyon ng botante batay sa pananaw at pagkilatis sa mga ito. (Aileen Taliping)