Kandidato sa pagka-mayor inambus

Tinambangan ng hindi pa nakikilang suspek ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Buenavista, Bohol kahapon nang hapon.

Hindi man nasugatan at tinamaan ng bala ang kandidatong si Rico Cabarrubias, napuruhan at namatay naman ang drayber nito.

Sakay umano ng kanyang sasakyan si Cabarrubias at drayber nito habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada sa Brgy. Tulang sa bayan ng Getafe nang pagbabarilin sila ng hindi pa tukoy na bilang ng salarin.

Iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring pananambang sa kandidato at tinitingnan na rin ang anggulo ng politika o kung may personal itong kaaway.