Kandidatong may kaso hindi diskuwalipikado — Sandiganbayan

Paglilinaw ng Sandiganbayan, maari pa ring kumandidato ang sinumang may kinakaharap na kaso hanggat hindi pa “final and executory” ang hatol o conviction nito.

Paliwanag ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, pagbabawalan lamang tumakbo ang sinuman sa isang public Office kung final and executory na ang conviction.

“Conviction per se is not a disqua­lification. The judgment of conviction must be final and executory. This means that the judgment of conviction is ripe for execution, which is realized by the service of the sentence by the convicted accused,” ayon kay Tang.

Kabilang sa mga sa high-profile candidates na may nakabinbing kaso sa anti-graft court ay sina dating Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla na pawang nahaharap sa kasong plunder dulot ng pagkakasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ang tatlo ay pawang naghain na ng kanilang certificates of candidacy sa Commission on Elections para sa kanilang senatorial bid.