tonite-annyeong-rose-garciaSimula nang pumasok sa military at mag-serve ng kanyang mandatory military service ang CNBlue member na si Kang Min Hyuk ay nagbigay ito ng update sa kanyang Instagram account.

Umani agad ng kulang sa 400,000 likes ang IG post ni Min Hyuk. Ito ang unang larawan niyang luma­bas simula nang pumasok siya sa military.

Noon pang July 31 nagpa-enlist si Min Hyuk kasabay ang isa pang miyembro ng CNBLUE na si Lee Jung Shin. Nang pumasok ang mga ito sa military, pinili nilang gawin ito quietly as possible.

Kaya naman, just imagine na lang kung gaano kasaya ang mga fan ni Min Hyuk sa pag-a-update niya ng kanyang IG account. Ipinasilip niya kung ano ang look niya ngayon bilang isang military trainee.

Bukod sa kanyang picture, nag-post din si Min Hyuk ng mensahe niya sa mga fan na alam niyang nasasabik na sa kanya, pero kailangan pang maghintay sa paglabas niya sa 2020 pa.

Sa English translation na nilabas ng soompi.com sa kanyang post, masayang ibinalita nito na tumanggap daw siya ng award. Maayos ang lagay niya at gayundin ang lahat ng miyembro ng CNBLUE dahil lahat sila ay kasalukuyang naka-enlist.

“Everyone, are you doing well? I received an award at my training center. And I’m working hard, staying healthy, and doing well at the place I’m at right now. Our CNBLUE members are also doing well in their respective places. As expected.

“I hope we will all be healthy as we wait for the day we meet again, and I will always be doing my best no matter where I am.

“Everyone, please stay healthy! BOICEs, I miss you so much. I hope everyone stays healthy and happy!”