Kangnam, Lee Sang Hwa magpapatali na

Noong March 2019 kinumpirma ni Kangnam (mi­yembro ng South Korean hip-hop group na M.I.B.) na in a relationship sila ng Olympic speed skater na si Lee Sang Hwa.

Pero noong August 29, inanunsiyo nito na magpapakasal na silang dalawa sa October 12.

Sa interview ni Kangnam sa SpoTV News, natanong ito tungkol sa wedding preparations nila.

Ayon sa singer, “To be honest, I couldn’t [prepare for the wedding] because I thought that there might be rumors if I did so. Now that we’ve announced our wedding, we’re planning to prepare comfortably. We now have to look for our new home and prepare various things.”

Bilang isang Olympic athlete, alam ni Kangnam na almost all of her fiancée’s life is about sports and exercise. Gusto naman daw niyang ibigay rito ang mas masayang buhay.

Sabi nga niya nang tanungin kung bakit naisipan na magpakasal agad. Kangnam is only 32 years old.

“Lee Sang Hwa only exercised for 25 years,” saad niya.

“The two of us want to create a fun life together. Since she worked hard exercising all this time, I want her to live happily from here on out. I only think about making her happy.”

Naiyak daw si Sang Hwa nang mag-propose si Kangnam.

Ayon dito, “I gave her a ring when a boat passed by at a place where you could see the river. She accepted it while crying.”

Natawa naman si Kangnam nang diretsuhin itong tanungin sa lumalabas na speculation na buntis na kasi ang girlfriend kaya sila pakakasal.

Itinanggi niya ito at wala raw katotohanan ang mga espekulasyong buntis ito.

Sabi pa niya, “Lee Sang Hwa has a bright personality and lots of cuteness. She’s recei­ving lots of offers for TV appearances, but I don’t know if she’ll accept. We’ll discuss her future promotions.”

Sa isang banda, proud naman si Kangnam na dahil sa girlfriend, 15 kilos na raw ang nabawas sa kanya. Katulad nito, nadamay rin daw siya sa pag-i-exercise.