STANDINGS W L
Petron 10 0
F2 Logistics 8 2
PLDT Home Fibr 7 5
Cignal 6 6
United VC 5 5
Generika-Ayala 3 7
Sta. Lucia 2 8
Foton 1 9

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. – Generika-Ayala vs Sta. Lucia
6:00 p.m. – F2 Logistics vs Petron

Sa tinatayang mu­ling pagputok nina Kanjana Kuthaisong at Angeli Araneta, target ng Generika-Ayala na resbakan ang Sta. Lucia sa kanilang rematch mamaya sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix 2nd round elims.

Tangan ang 3-7 win-loss record para sa se­venth place sa standings, muling sasandalan ng Lifesavers sina import Kuthaisong at skipper Araneta pagharap sa alas-kuwatro ng hapon nasa pampito may 2-8 na Lady Realtors sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Bahagyang mahihimasmasan ang Generika-Ayala kapag nanalo sa laro dahil makakaiwas na makalaban ang league-leading at defending champion Petron (10-0) at running-second, last year’s runner-up F2 Logistics (8-2).

Kung matapos ang two round elims at mag-1-2 ang Blaze Spikers at Cargo Movers, makaka­laban nila sa quarterfinals ang Nos. 8 at 7 teams, ayon sa pagkakasunod.

Suportado ang women’s volleyfest na ito ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.
Tumikada si Kuthaisong ng 19 points habang walo ang inambag ni Araneta nang itumba ang United Volleyball Club, 25-23, 21-25, 19-25, 27-25, 15-12 Huwebes ng gabi.

Magkakaldagan din ang dalawang heavyweights na Petron at F2 sa alas-sais ng gabi. (Elech Dawa)