Kanlaon, Malaya wagi sa MARHO races

horse-racing
MARHO Board
Induction ng bagong MARHO Board

Pinagharian ni Kanlaon ang 1st Leg ng Road to the MARHO Breeders Cup Classic na inisponsoran ng Philippine Racing Commission nitong Sabado sa San Laza­ro Leisure Park.

Si Malaya naman ang nangibabaw sa 1st MARHO Invitational Race na inisponsoran ng Manila Jockey Club noon ding Sabado sa parehong pista.

Nag-uwi ng tig-P500,000 sina Kanlaon at Malaya na parehong pagmamay-ari ni Benjamin Abalos Jr.

Bago ang annual MARHO Breeders’ Cup Classic na ihu-host ng grupo sa November ay ang mga nakalinyang serye ng high-powered events.

Bago ang pakarera ay ang general assembly, election at induction ceremonies ang Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO) sa Chantilly Restaurant sa SLLP sa Carmona, Cavite. Si MARHO Chairman Emeritus Mayor Sandy Javier ang inducting officer.

Nahalal sa 2017-2019 MARHO Board sina James Albert Dichaves (president), Antonio Tan Jr. (vice president), Aurelio de Leon (secretary), Antonio de Ubago (treasurer), Victory Ferrer (auditor), directors Luis Macario Asistio, Marlon Cunanan, Jeci Lapus, Vicente Go Bon, Felizardo Sevilla Jr. at Wilbert Tan.