Kanseladong kasal nina Richard-Sarah pinaboran

Kanseladong kasal nina Richard-Sarah pinaboran

Ang daming sumuporta sa desisyon nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati na i-postpone ang kanilang wedding na dapat sana’y gaganapin bukas, March 14.

Inanunsyo ng showbiz couple sa kani-kanilang Instagram ang cancellation ng wedding because of CoVid-19 pandemic.

Syempre, nangunguna na sa pagsuporta angkanilang pamilya’t mga kaibigan.

Komento ng kambal ni Chard na si Raymond, “so proud of you guys for making this call.”

Sey naman ni Ruffa Gutierrez, “we love you both.”

Nalungkot naman si Bubbles Paraiso pero aniya ay wise decision naman ito.

“Heartbreaking but wise decision. Love you guys,” komento ni Bubbles.

And anak ni Ruffa na si Lorin Gutierrez nay nagkomento rin ng “I love you both.”

Pati ang mga netizen ay agree sa naging desisyon na ito nina Sarah at Richard.

“Saludo ako sa inyong dalawa. Iniisip nyo ang kapakanan ng mga invited guest nyo. pagpalain kayo lalo ng poong maykapal,” pahayag ng isang netizen.

Ang kasal nina Sarah at Richard ang itinuturing sanang Wedding of the Year this year since sa preparations pa lang ay alam mong bongga talaga. Matagal nilang pinaghandaan ito at matagal na rin nilang hinintay.

Nakakalungkot man pero hanga rin kami sa naging desisyon ng showbiz couple. Hindi ito madaling desisyon since dahil nga matagal na itong nakaplano but in the end ay inisip pa rin nila ang kapakanan ng nakararami.

Bong, Isko nag- self quarantine

Inanunsyo ni Sen. Bong Revilla kahapon na nagdesisyon na rin siyang sumailalim sa self-quarantine. Ito ay matapos pangunahan ni Sen. Sherwin Gatchallan that he will undergo a self-quarantine matapos maging positibo sa CoVid-19 (corona virus) ang isang resource person na dumalo sa hearing ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture noong March 5.

“Kahapon, inanunsyo ni Sen. Win Gatchalian na siya ay magvo-voluntary quarantine dahil nakasalamuha niya ang isang resource person sa kanyang hearing noong March 5 na napag-alamang positive sa COVID-19.

Sen.

“Gatchalian is my seatmate in the Senate. Maliban sa session noong Monday, magkasama rin kami sa aking opisina kahapon, pati na sina Sen. Sonny Angara at Mayor Sara Duterte – na pare-pareho na ring nag-self quarantine.

“Bilang pag-iingat, kahit na wala akong anumang sintomas, nagdesisyon po akong mag voluntary quarantine umpisa kagabi. We don’t want to expose others to potential risk.

“Sa panahong ito, mahalaga na maging self-aware hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kapwa.

“Maging malinis tayo sa ating mga sarili at paligid. As long as we don’t get overcome by panic, we will calmly beat this trial together,” ang post ni Sen. Bong.

Bukod sa aktor/politiko ay nagdesisyon na ring mag-self-quarantine si Manila Mayor Isko Moreno at iba pang government officials.