Kanselasyon sa VFA ituloy na — Digong

Inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affrais (DFA) na magpadala na ng notice sa US government kaugnay nang pagkansela ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tuluyang nang nagdesisyon ang Pangulo na kuma­las sa nasabing kasunduan sa Amerika.

“[President Rodrigo Duterte] is instructing [Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea] to tell [the Secretary of Foreign Affairs Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr.] to send the notice of termination to the US government,” sabi ni Panelo sa isang text message.

Nakatakda umanong makipag-usap ang Pangulo kay US President Donald Trump sa telepono sa mga darating na araw .” However, it is not yet clear when that call will take place and what they will discuss,” dagdag pa nito,
Inutos ng Pangulo ang pagbabasura sa VFA matapos na kanselahin ng US government ang US visa ni Senador Ronald “Bato” de la Rosa.