Bagama’t seryoso ang alegasyon ni Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa ito mabenta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hangga’t hindi makapagpakita ng ebidensya.
“Tingnan muna natin kung credible ba ang taong ito kasi ako mismo nag-imbestiga (sa Davao Death Squad). Na-establish ko kung sino ang papatayin at hindi, pero hindi ko naestablish na ang nag-utos ay si Duterte kaya ang naging conclusion ko, walang link between DDS at Duterte,” ani Kabayan Rep. Harry Roque.
Base sa alegasyon ni Matobato, aabot sa 1,000 katao umano ang kanilang napatay nang magsimula ang kanilang grupo bilang Lambada Boys na kalaunan ay naging DDS. “His allegation is very very serious,” paglalarawan naman ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza subalit kailangang lalaliman aniya ang pag-iimbestiga dahil baka gawa-gawa lamang umano ni Matobato ang kanyang testimonya.
Sa panig naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na nakabase sa Davao, malamang na parte lamang ito ng matagal nang alegasyon laban kay Duterte na itinuturong nasa likod ng DDS.
hindi lang pang chismis ito,,pang sports pa,,,sino kaya gumawa ng script ni batobato,,,,gagawa na naman ng bagong script si sec aguire abangan ang paglabas sa susunod na lingo,,,,bato vs bato bato,,,
Nang madinig ko ang salaysay ni Matabato, ito ay hindi lang pangsenado pang pelikula pa. Producer and director Leila Delima. Assistant director, Sonny Trillanes.
Hahaha! Ano kayang magandang title brod?
Hindi bansa isang panayam kay Duterte bago ang eleksyon inamin niyang siya ang DDS na pumapatay sa mga suspects pero kinabukasan ay iniba niya ang kahulugan ng DDS? Malinaw naman na ang pinaguusapan nuong sinabi niyang siya ang DDS, ang mga pagpatay ang pinaguusapan. Kung talagang walang DDS pagkatapos ng imbestigasyon, kailangan malaman din ng publiko.