Hindi nagawang makapag-uwi ng korona ni Mariel de Leon mula sa Miss International.
Sa Top 15 pa lang din ay hindi ito pinalad na makasama kaya hindi nagkatotoo ang pangarap na magkaroon ng back-to-back win sana for the title.
Hating-hati ang nakikita naming reaksiyon ng mga netizens sa pagkatalo ni Mariel sa Miss International.
Nakakaloka ‘yung comments na kaya hindi ito nanalo, tipong ‘karma’ raw dahil sa mga comment ni Mariel sa mga Ka-DDS o mga pro-Duterte.
O ‘yung pagiging napaka-open niya sa pagpapahayag ng kanyang mga opinyon sa administrasyon.
‘Yung isang netizen na @jianerose, “This is the only time that I wished PH to not win the Ms. International 2017. Para mabawasan ang yabang ni Mariel de Leon.”
Teka, may kinalaman ba ‘yun sa pageant? Huh!
Naalala namin ang sinabi ng manager niya na si Jonas Gaffud na kung may isa sa trait ni Mariel na gusto niya rito ay kung paano kaya nitong maging matapang sa mga paniniwala at paninindigan niya bilang isa sa mga traits dapat ng isang beauty queen.
Kung may nagnenega sa anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, mayroon din naman ang bumabati pa rin dito at sinasabing for them, Mariel is their true queen daw.
May koneksiyon pa rin sa pagiging matapang niya sa pagbibigay ng saloobin.
Ilan sa mga post na nabasa namin mula sa netizens, “Mariel de Leon may not won Miss International. But I still admire her for her courage to speak up. She used her status to influence what she believes in. And that is commendable. As a beauty queen, she’s not only pretty but opinionated.”
Ang kapapanalo lang din bilang kauna-unahang Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez ay nag-congratulate din kay Mariel.
Aniya, “You gave it your best Mariel! We’re proud of you… I know you enjoyed and learned so much in Japan. Congrats pa din my dear.”