‘Di dapat magtampo ang Gilas Pilipinas sa ­naging pahayag ni ­Pangulong ­Rodrigo Duterte na mata­talo lang mga ito sa Italy sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China Agosto 31-­Setyembre 15.

Hinayag ni ­Presidential Spokesman Salvador ­Panelo na dapat magsilbing hamon sa Nationals ang sinabi ng Presidente para pagbutihin ang kanilang laban kontra sa mga Italian.

Manonood aniya ang Punong Ehekutibo sa laro ng Gilas Pilipinas at katunayan, isa ito sa mga aktibidad niya sa biyahe sa China.

“The statement of the President that most likely you will lose, should be a challenge to you and should inspire to make him…and he will be very happy. Kaya dapat ma-inspire kayo lalo pa nandoon si Presidente. And I think the very purpose of the President in going there and watching is to inspire them,” giit ni Panelo.

Ayon pa sa Kalihim, sinasabi­ lang ng Presidente ang reyalidad dahil sadyang malalaki talaga ang mga Italyano, pero ‘di inaalis ang posibilidad na makasilat ang mga Pilipino.

“Gawin nyo lahat ang makakaya nyo. Yan ang mensahe nya. Manonood siya para ma-inspire naman sila. Sabi nya nga,”I’m speaking of reality na ­medyo tagilid tayo. Pero ang bola ay bilog,” dagdag pa ni Panelo.

Matutuwa aniya ang Chief Executive kapag ­natalo ng Gilas Pilipinas ang matitinik na koponan sa quadrennial cagefest,at pabirong sinabi ng ­kalihim na sa palagay niya ay matatalo ang Italy.

“He would love a ­Philippines winning over a mighty team. Palagay ko talo Italy,” wakas ni Panelo. (Aileen Taliping)