Sinampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal at promoter ng KAPA-Community Ministry International (KAPA) sa mga korte sa Quezon City, Bislig City at Rizal.
Ayon sa Revised Rules of Criminal Procedure, inisyuhan na hukom ng warrant of arrest ang mga akusado kapag may ‘sufficient probable cause’ sa mga opisyal at promoter na binasahan na ng sakdal.
Sabi ng Securities and Exchange Commission, naglabas na ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court noong December 2, 2019 laban sa isa sa mga promoter ng KAPA.
Kinasuhan ng SEC ang KAPA noong nakaraang taon dahil sa umano’y panloloko sa maraming tao.
Kinasuhan ng DOJ ang KAPA dahil sa pagbebenta at pagso-solicit nito ng investments nang walang kinaukulang lisensiya mula sa SEC.
Kabilang sa mga kinasuhan n ay sina Kapa founder, president na si Joel Apolinario, ang KAPA trustee na si Margie Danao, corporate secretary Reyna Apolinario, at ang mga promoter ng KAPA na sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, at Reniones Catubigan. Si Fernandico lang ang tinukoy ng SEC na naisyuhan na ng warrant of arrest. (Eileen Mencias)