Kung hindi matutuloy ang rematch kay Floyd Mayweather, Jr., si Mikey Garcia ang sunod na itatapat kay WBA weltwerweight titlist Manny Pacquiao.

Ito ay ayon sa kapatid at trainer ni Mikey na si Robert Garcia.

“We spoke to someone very close to Pacquiao,” ayon sa boxing trainer.

“They told us that Pacquiao wanted to fight in January and that he wanted a win before he fought Mikey. That’s Pacquiao’s plan unless Mayweather comes back but from what I understand is that Pacquiao wanted a fight in January and then Mikey.”

Nagsisimula na sa kanyang light trai­ning si Pacquiao na nakatakdang maki­pagbasagan ng mukha kontra American former champion Adrien Broner ngayong Enero 2019 at nais nang isunod ang rematch kay Mayweather.

Pero kapag hindi umano kumagat ang madaldal na former champion, si Garcia ang haharapin ng eight-division ruler na si Pacquiao.

Tingin ni Robert, mananaig ang magka-kwarenta anyos nang si Pacquiao kay Broner pero mahihirapan ito nang husto.
“I think Broner will put on a good show and put up a good fight but I think Pacquiao wins but it won’t be easy,” panapos ni Robert.