Kapakanan ng kababaihan isusulong ni Bong Go

Kapakanan ng kababaihan isusulong ni Bong Go

Nakiisa si administration senatorial bet Bong Go sa pagdiriwang ng Araw ng mga Kababaihan.

Sa ipinalabas na pahayag ni Go, iginagalang nito ang mga kababaihan at nangakong isusulong ang kapakanan sakaling palarin ito sa senado.

Makakaasa aniya ang mga kababaihan na isusulong at poprotektahan ng administrasyon ang karapatan ng mga ito sa lahat ng pagkakataon.

“Ibinibigay ko po ang pinakamataas na pagpupugay sa mga kababaihan: sa mga ina ng tahanan, sa mga kapatid na babae, tiyahin, ate at sa lahat ng kababaihan sa lahat ng sektor,” ani Go.

Kabilang sa mga isusulong ni Go sa senado ay ang pagbuo ng mandatory position para sa mga babaeng barangay health worker para magkaroon ang mga ito ng regular na sahod at mga dagdag na benepisyo.

“Sa ating kultura po, mga babae talaga ang nangangalaga sa kalusugan ng pamil­ya kaya’t karamihan sa ating BHW ay mga babae. Panahon na po para makilala ang kanilang tulong sa ating lipunan at mabigyan naman ng karampatang benepis­yo,” dagdag pa ni Go.