Nakasalalay sa rekomendasyon ng kongreso ang kapalaran ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon ito kay Senador Richard Gordon kasabay ng pagsasabing ang pagsipa kay Faeldon ang isa sa mga posibleng rekomendasyon ng senado sa gagawin nitong committee report ukol sa isinagawa nitong imbestigasyon kaugnay sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong shabu mula China.
Ayon kay Gordon, chair ng Blue Ribbon Committee, na siyang nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa kontrobersiyang bumabalot ngayon sa BOC, malinaw umano ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hihintayin nito ang imbestigasyon ng kongreso bago ito gumawa ng aksiyon.
Partikular dito ang desisyon kung mananatili pa o hindi sa kanyang puwesto si Faeldon na malinaw namang nagkaroon ng kabiguan at kapabayaan sa kanyang panig na dahilan nang pagkakapuslit ng naturang kontrabando.
Sinabi ni Gordon, sa committee report ay ilalahad nila ang kanilang mga rekomendasyon at ito’y kanilang isusumite sa pangulo.
Ayon sa senador, wala naman silang nais kundi ang tanggalin ang katiwalian sa ahensya.
“Gusto namin sa senado na tanggalin yang katiwalian. Kung matino naman ang nasa taas, kokonti na lang ang gagawa niyang katiwalian at mawawala ito,” ayon kay Gordon.
Dagdag pa ni Gordon, lahat ng BOC officials na pinangalanan ng broker na si Mark Ruben Taguba sa isang executive session na umano’y nasa payola ay kanilang isailalim sa validation.
Una nang sinabi ni Gordon na ‘eroding’ sa ahensya ang isiniwalat ni Taguba na umano’y mula taas hanggang baba ang sangkot.
Dirtiest government agency ang BOC. Most of them are gahaman sa pera kasi nga madali ang kumita ng pera sa BOC.
“depende” yan sa pag-himod nya sa pwet ni hinDUTERTE hehehehe
kapalaran daw ay nakasalalay sa congreso!!! pweeee!!! di ba may patakaran na kapag nahuli or napagbintangan, tanggal kaagad sa posisyon!!! e. paano kung maraming kumpare ang hinalipak na magaling na iyan sa kongreso at mga nakikinabang?!!! pweeeee. wala ng kapakapalaran pa!!! sibakin sa puwesto at kasuhan at magpakita naman kayo maski na isang sample lang na may nakulong ng habang buhay dahil sa mga intuil na kagaya ng punyeta at letseng ito…
iyan ang epekto ng “utang na loob” system ni hinDUTERTE hehehehe
ano kaya gagawin ng 28 atleta na-hired ni faeldon na tig 50k pesos ang suweldo kada buwan magtuturo ng sumba? baka once a month lang yan pumasok decoy lang din. hay naku katribo ka talaga ni alejano at trillanes dapat mag resign ka na lang mahiya ka naman
Hindi…nasa PBA players. Kapag sinibak siya buti pa mag coach na lang siya sa PBA.
Kahit na sino ang mamuno diyan, mag nanakaw at magnanakaw talaga dahil sa dami ng bisyo lalo na ang panbababae