Wala pang siguradong patutu­nguhan si Carmelo Anthony matapos bitawan ng Houston Rockets.

Hindi pa siya inaalis sa roster ng Rockets, pero hindi rin naman naglalaro.

May mga nagsasabing mas maganda kung mag-retiro na lang ang 10-time All-Star, may mga nagpahayag na posible na siyang tumawid sa Los Angeles Lakers para makasama ang kaibigang si LeBron James.

Pero agad itong tinabla ni ­LeBron.

“I have no idea, to be honest,” ­aniya sa sinasabing posibleng pag­lipat ni Anthony. “That’s not a question to ask me. We don’t even have a roster spot open right now, so that is not a question for me.”

Kabilang si Tracy McGrady sa mga nagsabi na mas mabuting mag-retiro na si ‘Melo.

Pero si Allen Iverson, naniniwalang may gas pa ang tangke ng 15-year NBA veteran na third pick overall ng Denver noong 2003. Nauna lang sa kanya sina James at Darko Milicic.

“No way ‘Melo should retire,” ani Iverson sa kanyang teammate sa Nuggets noong 2006-08. “I definitely think he should keep going. He got a lot left in the tank, man. It’s just got to be the right situation.”

Pero mukhang wala pa sa ‘right situation’ dahil wala pang makuhang landing spot si Anthony.