May tatlong araw pa para magdesisyon si coach Tim Cone at ang kanyang coaching staff kung sino ang ipapalit sa binakanteng puwesto ni RR Pogoy sa Gilas.

Pero wala na sa equation si Jayson Castro na diumano’y nag-beg off sa national team tapos bumalik mula muscle strain.

Injured si Pogoy sa lower back spasm, ­nakuha sa panalo ng TNT kontra Magnolia sa quarterfinals ng PBA Governors Cup nitong Lunes.

“We haven’t decided yet,” ani Cone.

May managers mee­ting ang SEAG sa ­Disyembre 3, doon ihahayag ang ­pamalit kay Pogoy.

Injury replacement ang mangyayari, kaya puwede pang lagyan ng kapalit para mabuo ang roster.

Ang mga kasali sa pool pero nalaglag sa final 12 na inihayag sa nakaraang weekend na sina Scottie Thompson, Art dela Cruz at Greg Slaughter ang pinagpipi­lian na puwedeng ipalit.

“It will be a medical replacement,” dagdag ni Cone. “We will secure a medical release for RR that will allow us to add somebody from the pool.” (VE)