Kapalpakan ‘di na dapat maulit — Thailand, Cambodia, Myanmar

Inamin ng tatlong kalahok na bansa sa parating na 30th Sea Games 2019 na naperwisyo sila sa ‘di nila inaasahang aberya na sasalubong sa kanila partikular na sa transpo at hotel arrangement.

“Yes, yesterday we got some problems at the airport, at the hotel,” pag-amin ni Timor-Leste men’s soccer team Fabiano Flora sa press confe­rence nitong Linggo para sa football event ng SEAG na sisipa ngayon sa Rizal Memorial Track Football Stadium sa Manila at Biñan City Stadium sa Laguna.

Winarningan din niya ang Philippine Southeast Games Organizing Committee na ang puno ay si Speaker Alan Peter Caye­tano, ‘di na dapat ito maulit pa ang kalbaryo nila nitong Sabado.

“But I hope so for the future it cannot happen again,” aniya
Sa kabila ng dinanas na abala’y sinambit ng Timor-Leste manager na magpopokus na lang sila sa laro sabay pasaring na karapatan ng bawat bansang lalahok sa biennial event na sila’y igalang dahil ‘di aniya kaaya-aya ang nangyari sa kanila nitong Nobyembre 23.

Napilitang matulog sa mga carpet ang Cambodians dahil sa kalituhan tutuluyan, May ‘di nakapag-check in sa Jen Hotel sa Pasay pero dinala sila sa Century Park Hotel sa Malate, Manila.

“I think all the nations deserve respect and what happened yesterday was not so beautiful”, tila himutok pa niya. (Aivan Episcope)