Kapamilya napikon : Kim,Vice ginamit sa hearing

ni: RONA RONDA

Nag-react ang ilang Kapamilya celebrities at empleyado sa pakulong ginawa ni House Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta. Nangyari ito sa hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN. Maraming fan ang nagalit nang gamitin ang viral na “Bawal lumabas” ni Kim Chiu sa opening statement nito.

Ani Marcoleta, “Mr. Speaker, my distinguished colleagues, hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN, kaya hindi po sila puwedeng lumabas at magpalabas.”

Sa huling statement naman nito ay ginamit niya ang video clip ni Vice Ganda na kung saan nagbigay ito ng opinyon tungkol sa pagpapahinto ni Quiboloy sa lindol.

Reaksyon ni Vice Ganda sa Twitter, “Hahahhaah!!!! Take the joke seriously. Take the congressman as a joke. Chugug!!! #NewNormal #IbalikAngABSCBN.”

Maging ang ilang celebrities ay nagpakita ng dismayado sa Twitter.

“Absent ba siya nung unang hearing? Paulit-ulit? Also: That opening statement was really unprofessional. It wasn’t even funny. It was just plain mean. #IbalikAngABSCBN,” ani Robi Domingo.

“Grabe parang ginawang joke ang hearing. @princesachinita sa opening at @vicegandako sa closing. Tapos paulit-ulit. #WalangGanonMarcoleta,” sey ni John Lapus.

Samantala, sa latest post ni Angel sa Instagram ay laman ng larawan ang mga Big boss ng ABS-CBN. Ang caption niya ay “We know that you are facing a very difficult challenge. Praying that the hearing will be fair and would benefit the greater good. May everyone take the mature road and avoid making fun of other people in the next hearing.”