Posibleng magkaroon ng regular na power interruption hanggang hindi sumasapat ang numinipis na oil at gas reserves at maisulong ang energy independence sa mga susunod na taon.

Batay sa pag-aaral ng mga eksperto, patuloy sa pagbaba ang oil at gas reserves ng bansa kaya umasa ang bansa sa pag-angkat ng nasabing produkto.

Malaki rin ang epek­tong dulot ng importasyon sa presyo at supply ng oil at gas. Nagpaha­yag ng pangamba ang mga eksperto na kapag hindi na­bigyang solusyon ang nasabing sitwasyon, maaari itong magdulot ng bagong bersyon ng ‘dark ages’ kung saan mararanasan ang mahahabang oras ng brownouts.

Sa isang ulat kamakailan, sinabi ni GlobalData power industry analyst Harshavardhan Reddy Naga­tham na ang lumolobong populasyon sa Pi­lipinas ay nagtutulak sa patuloy ring pagtaas ng konsumo sa kur­yente sa bansa. Bu­nga nito, malubhang kailangan nga­yon ng Pilipinas na pa­lawakin ang kapasidad nito pagda­ting sa e­nerhiya.

Nagiging hadlang din sa mga inisya­tibo ng bansa para sa oil at gas explorations ang pananamlay ng investors dahil sa mga hindi pa nalulutas na isyu sa pagitan ng Commission on Audit at ng Department of Energy.