Sa susunod na NBA season, ‘wag malito sakaling dalawang Antetokounmpo ang magsabay para sa Milwaukee Bucks.

Ayon sa report ng Sky Sports, bibigyan ng tsansa ng Milwaukee ang nakatatandang kapatid ni Giannis na si Thanasis sa parating na NBA Summer League.

Makakasama sa summer league lineup si Thanasis, na kakailanganing magpakitang-gilas para makalusot sa main roster ng Bucks.

Na-pick si Thanasis noong 2014 NBA Draft ng New York Knicks, hindi masyadong nabigyan ng oportunidad na makasalang sa NBA at natengga sa Westchester Knicks sa G-League bago bumalik sa Europa. (RP)