Nahaharap ngayon sa 25-taong pagkakakulong ang kapatid ni Nicki Minaj na si Jelani Maraj.

Nahatulan siya ng “guilty” ng Judge na si Robert McDonald ng New York court. Nahaharap siya sa kasong predatory sexual assault against a child at endangering the welfare of a child.

Hindi matukoy kung nasaan ang panig ng rapper hinggil sa kasong kinaharap ng kanyang kapatid. Matatandaan na noong 2017 ay binisita niya si Jelani sa kulungan.

Iginiit naman niya na ang kanyang pagbisita ay para alalayan ang kanyang ina. Hindi rin makikita ang kanyang pagtatanggol sa kapatid.

Wala ring inilabas na statement mula sa rapper at mukhang idinidistansya niya ang sarili mula sa isyu. (Ronaline Avecilla)