Dear Sir:
Ang mga Muslim rebels tulad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ay nagkakaisa na tumulong sa drug war ni Pangulong Duterte at pagsusulong ng peace talks. Nais na talaga nilang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at maranasan ang kasaganaan sa kanilang probinsiya.
Ang sabi ni Murad Ebrahim, Chief ng MILF, “if the peace was successful, Islamic State (IS) jihadis, will not garner the people’s support. Harinawang magkatotoo ang sinabing ito ni G. Ebrahim.
Ngayon ang dalawang grupong ito ay nagkakaisa sa peace talks, nasaan naman ang Communist Party of the Philippines (CPP)-National Democratic Front (NDF)-New People’s Army (NPA), wala ata sa eksena? Walang paramdam kung sasali sila sa peace talks na isinusulong ni Pres. Duterte? Gusto ata nila na especial sila?
ROGELIO A. RICO
Zamboanga City
***
Dear Sir:
Suportado ko si Pangulong Duterte sa kanyang desisyon na doon ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Mahigit na 50 milyong mamamayang bumoto sa kanya kumpara sa mga yellow army, mga Katoliko at mga elitista na bumubuo lamang ng libong katao at alam naman natin na hindi sila bumoto kay Pangulong Duterte tapos sila pa ang nais masunod sa desisyong pampulitika? Bakit sila ba ang dapat makapangyayari?
Itong si Joma Sison nakikisawsaw pa. Dati sabi niya na okay lang na doon ilibing si Marcos dahil sa libingan naman ng mga traydor.
Ngayon ayaw niya dahil maraming kasalanan daw si Marcos sa Pilipino bilang isang diktador, lumabag sa karapatang pantao, corruption at iba pang mga alegasyon.
Ano ba kuya? Ikaw ata ang pabagu-bago ng isip? At paiba-ibang deklarasyon. Ang tunay na lider ay paninindigan niya ang una niyang sinabi kahit na ito man ay hindi katanggap-tanggap sa iilan.
RONEL A. ALAGAR
Pasig City