Kapitan niratrat sa daan

gunman-shooting

Dead-on-the-spot ang incumbent Barangay Captain ng Brgy. Paradahan 1 sa bayan ng Naic Cavite, matapos tambangan ng mga hindi nakilalang suspek, alas-singko ng hapon kahapon.

Kinilala ng Naic Municipal Police Station ang biktima na si Brgy Captain Nolasco Morris, na tinambangan habang nagmamaneho ng kanyang Ford Ecosport (IM 3788), kasama ang dalawang kaibigan na sina Carlo Ada at isang alyas “Pres Onie”.

Galing sa sabungan sa Naic Cockpit Arena sa Brgy Sabang ang mga biktima nang sundan sila ng kulay asul na Ford Expedition at pagsapit sa Uniwide Road, Hillsview Subdivision sa Brgy Timalan Balsahan, ay walang habas silang pinaputukan.

Nagawang makalabas ng sasakyan at makatakbo sa talahiban ang dalawang kasama ni Brgy Captain Morris.

Ligtas si Ada habang hindi pa rin nakikita si alyas Pres Onie. Inaalam na ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen.