Kapitan timbog sa de-kalibreng armas

Inaresto ng Cavite police ang isang Barangay Chairman at isang retiradong Navy matapos mahulian ng baril sa bisa ng search warrant sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang naarestong suspek na sina Paulino Dimaranan, 62, isang retiradong miyembro ng Philippine Navy ng Banayad Road., Brgy. Bukal, Mendez, Cavite at Jaime Hembrador, Barangay Chairman ng Brgy. San Agustin 3, DasmariƱas City, Cavite.

Sa ulat, bitbit ng DasmariƱas City police ang isang search warrant na inisyu ni Hon. Agripino Morga, Judge RTC Branch 32, City of San Pablo, Laguna, dakong alas-4:30 ng hapon nang isilbi ito sa bahay ni Hembrador kung saan nakumpiska ang isang Cobray Ingram M11 9mm submachine gun na may isang magazine at 15 bala bukod pa sa isang Squidman na kalibre 22.

Dakong alas-6:30 nang umaga naman noong Biyernes nang arestuhin si Dimaranan kung saan nakuha sa kanya ang isang kalibre .45, 12 pirasong bala ng kalibre .45 at 4 na piraso ng cartridge ng kalibre 45.

Ang dalawa ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.