Tumandang torpe

Hi there po. Over naman talaga sa katorpehan itong neighbor ko na senior citizen na’t lahat eh hindi pa rin makapagpa-oo ng babae. Sobrang mahiyain kasi itong si Manong Danny na kahit ako yata ay hindi malapitan para kausapin.

Aber, kahit ba hindi niya ko gustong ligawan eh. Halimbawa, gusto lang niyang magtanong sa akin ng oras, ok lang naman ‘yon haha. Sayang may itsura pa naman at ako naman eh dalana na, este dalaga. Pero at the age of 40 ay may asim pa naman ako. But im not cheap, you know.

Siguro talagang mailap lang sakin ang mga lalaki. Age doesn’t matter for me. Haay, ewan ko ba kasi ba’t ako masyadong nawili sa work. Para na rin tuloy madre ang tingin sakin ng mga tao.

Anyway, si Manong talaga ang gusto kong ikuwento. Napahapyawan ko lang ang tungkol sa pagiging single ko rin. Malay natin, di ba? Baka si Manong at ako pala sa huli.Ganyan naman ang kapalaran, minsan hindi mo talaga masabi kung ano ang mangyayari. And lovelife is no exception. Well, let’s see wha’t gonna happen.

Shirley of Alabang
***
Kung kayo ay may kakaiba, nakakagulat at nakakaawang kuwento ng inyong kapitbahay i-share rito sa Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo, at i-email sa pssst.blind@yahoo.com o sa abante­tonite@gmail.com at ma­nalo ng sorpresang papremyo.