May mga nagrere­klamo pa rin na walang GMA-7 at GMA News TV sa kanilang digital TV box.

Dahil dito, may paalala ang GMA Network sa Mega Manila viewers na hindi pa nakakapag-rescan, maaari pa kayong humabol at mag-rescan na inyong digital TV box upang patuloy na mapanood ang mga programa ng Kapuso at GNTV.

Para makapag-rescan gamit ang remote control ng digital TV box, sundin lang ang mga sumusunod: 1. Pindutin ang “Menu.” 2. Pumunta sa “Settings.” 3. Sa “Installation,” piliin ang “Factory Default” at pindutin ang “OK” sa remote control. 4. Ilagay ang password na 0-0-0-0 sa dialogue box. 5. Piliin ang “YES” para kumpirmahin ang “Factory Default.” 6. Piliin naman ang “Auto Search” o “Auto Scan” at pindutin ang “OK.”

Hintaying matapos ang auto scan hanggang sa lumabas ang “Search Completed” at pindutin ang “OK” o “Exit” at puwede nang hanapin ang GMA at GMA News TV gamit ang up and down buttons ng remote control.

Samantala, kailangan­ ding mag-rescan ng digital TV users sa Mega Manila. Basahin lang ang user manual ng inyong unit para sa steps. Para naman sa cable o satellite TV subscribers, hindi na kailangang mag-rescan.