Nasawi ang isang bilanggo matapos umanong bugbugin ng kanyang kapwa preso sa custodial center ng pulisya sa Atimonan, Quezon noong Sabado ng hapon, Marso 21.
Kinilala ng Atimonan Police Station, ang namatay na preso na si Rodel Abrera Dorotayo, 50-anyos at nakatira sa Brgy. Mangalayang Labak sa nasabing bayan.
Nakulong ang suspek dahil sa kasong direct assault upon a person in authority.
Batay sa pagsusuri sa biktima ng ospital kung saan ito dinala, atake sa puso ang ikinamatay nito.
Subalit lumalabas umano sa imbestigasyon na bago ito isinugod sa ospital matapos mawalan ng malay ay napalaban muna ito ng suntukan sa kapwa bilanggo na kinilalang si Lamberto Miras Pasamba, 42-anyos, sa loob ng kulungan.
Ayon sa mga kapwa preso, bigla na lamang umanong sinipa ng biktima ang suspek sa hindi malamang kadahilanan.
Nagalit umano ang suspek at pinagsusuntok at pinagsisipa ang biktima hanggang sa mawalan ito ng malay.
Nakakulong par in ang suspek na dati ng may kasong parricide sa Atimonan custodial facility.(Ronilo Dagos)