Pagdating sa documentary, wala na sigurong gagaling pa kay Kara David. Wala siyang inuuru­ngang istorya kahit gaano man ito kapanganib.

Maya’t maya ang mga natatanggap niyang papuri mula sa mga taong nakapanood ng kanyang documentary. Pero alam n’yo ba na dumating pala sa point na gusto nang tumigil si Kara David sa kanyang trabaho?

Sa isang panayam, inamin ni Kara na talagang nakapagdesisyon na siya na umalis sa work matapos na sunod-sunod na namatay ang tatlong batang taga-Bicol na sentro sa kanyang ginawang documentary. May mga sakit at kulang sa nutrition ang tatlo.

Pagkatapos maere ang kanyang documentary, nakatanggap na lang si Kara ng impormasyon na halos sabay-sabay na namatay ang dalawang bata. Isa na lang ang naiwan. Labis itong ikinalungkot ni Kara.
Since maganda ang pagkagawa ng nasabing docu, inilaban ito sa abroad at nanalo.

Gustong i-share ni Kara ang tagumpay sa naiwang isang bata na kanyang naging subject. At gusto rin niya itong buhusan ng tulong pero la­king gulat ni Kara dahil ibinalita sa kanya na namatay na rin pala ang pangatlong bata.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Kara nang mga sandaling iyon.

Pumasok sa utak ni Kara ang mga trabahong puwede niyang pasukan like pagiging nutritionist o social worker.

Handang-handa na siyang iwanan ang kanyang trabaho at nakapagpaalam na sa kanyang mga boss.

Mabuti at nakinig si Kara sa kanyang staff na paano sila kung wala na siya. So, hanggang ngayon ay naririyan pa rin si Kara at patuloy na nagbabahagi ng kanyang mga personal experiences sa mga lugar at mga taong kanyang kinapanayam.