TAMPOK si Kara ­Mitzi sa official calendar ng Tanduay White ngayong taon.

Kahanay niya sina Heart Evangelista, KC Concepcion, ­Jennylyn Mercado at Jessy ­Mendiola sa lipon ng ambassadors ng nasabing brand.

Si Kara ay mina-manage ng Viva Artists Agency. Marunong siyang kumanta, sumayaw at umarte.

Ipinanganak siya sa Pilipinas pero lumaki sa Sydney, Australia.

Ang kanyang ina ay Filipino-Japanese, samantalang ang kanyang ama ay may ­dugong ­Pinoy, Kastila at ­Griyego.

“I was born into a family of musicians on my dad’s side,” sabi ni Kara.

“And I started ­singing and dancing very ­early, when I was around 3 years old.”

Noong 2015 ay nag-concentrate si Kara sa singing career.

“I love live performan­ces talaga in front of the crowd,” sabi ng dalaga.

“Super saya ako pag nasa stage performing, sharing and inspiring people.”

Napansin si Kara sa isang live gig ng Tanduay.

“Ang dami ko pinagdaanan para makuha ‘yung endorsement,” ­lahad ng dalaga.

“But I really put my heart to it. This is a ­major break for someone like me who’s just starting out in showbiz.

“Now that it’s ­finally here I consider it a big honor.”

Wish ni Kara na makatrabaho ang idols niya na sina Sarah ­Geronimo, James Reid, Nadine ­Lustre at Sam Milby.

Nangako siya na lalong ­magsusumikap upang maabot ang tagumpay.

“I’m the type of person who doesn’t back down from ­challenges,” ­sambit ni Kara.

“I actually ­challenge myself and I’m always on the lookout for ways to make my life interesting. I would say that I’m very ­unpredictable in a good way.”