Kaisa ng Duterte Administration sa kampanya laban sa illegal drugs ang Kamara, kaya para magtagumpay ang war on drugs dapat may sapat na pondo.

Ito ang iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos madiskubre sa isinagawan­g pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na P36 milyon lamang ang inilaan sa budget ng Philippin­e National Police (PNP) sa anti-drug ope­rations nito, samantala lumilitaw na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay kahit isang kusing ay walang pondo para sa illegal drugs campaign nito kaya naman humihirit ang PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magkaroon ng tig-isang bilyong pisong pondo ang bawat ahensya.

Sinugundahan naman ito ni Barbers, na kakausapin umano nito si House Speakers Pantaleon Alvarez kaugnay sa illegal drugs budget ng PNP, PDEA at NBI.

“Kakampi ninyo kami. Magkakasama tayo sa giyerang ito. Lahat tayo potential victims ng mga drug addicts at drug pushers. We will definitely give you what you need, as much as we can.

We will provide you with the necessary tools with respect to laws that we will craft in the future or perhaps amend exis­ting laws, and will also give you budgetary support,” pagtiyak ni Barbers.