Ngayong araw sinisimulan ng Simbahan ang ‘Unang Linggo sa Karaniwang Panahon’ sa pagdiriwang nito ng Pista ng Pagbibinyag sa Panginoon. Ngayong Linggo opisyal na nagtatapos ang Kapaskuhan at nagsisimula ang ‘Tiyempo Ordinaryo’ sa kalendaryo ng Iglesya.
Paalala ng Simbahan, “Jesus’ Baptism opens the way for our own Baptism which marks the beginning of our new life in Christ, who calls us to share in his saving work.” Paanyaya sa lahat ng mananampalataya na muling buksan ang sarili sa pakikiisa sa misyon ni HesuKristo.
Turo ni Pope Emeritus Benedict XVII, ang pagiging Kristiyano ay pagkakaroon ng ‘bagong buhay’ kay Hesus at sa Binyag nakakamit ito. “Being a Christian involves a kind of rebirth; a rebirth which Christ gives to the Church in order to regenerate men and women to new life,” giit ng Papa.
Binigyang-diin ni Benedict na sa pamamagitan ng Binyag nagiging mga anak tayo ng Diyos ng Pag-ibig. Samakatuwid, unang hakbang at tugon natin sa ‘Panawagan Pag-ibig’ ang pagtanggap ng pinagpalang Sakramento. Ito daw ang batayan ng tradisyon ng Iglesia sa pagbibinyag sa mga bata.
Sinipi ni Pope Benedict ang mga kataga ni San Hipolito sa kanyang pagninilay: “Whoever goes down into these waters of rebirth with faith renounces the devil and pledges himself to Christ. He repudiates the enemy and confesses that Christ is God, throws off his servitude, and is raised to filial status.”
Hinimok ng Papa ang patuloy na pagtangkilik ng mga Katoliko sa pagbibinyag ng mga sanggol, na nagbubukas ng daan tungo sa buhay na walang hanggan, umpisa pa lamang ng kanilang paglalakbay. Mahalagang tandaan aniya na tayo ay ipinanganak mula sa itaas at naging mga anak ng Diyos sa Binyag, sa simula’t simula pa!
Saad ng Simbahan, dapat tayong magpasalamat sa ating mga magulang na nagpabinyag sa atin kahit noong tayo ay musmos pa, sa pananalig na ang Binyag ang ‘selyo’ ni Kristo sa kaluluwa — “Christ took possession of our souls at the moment we were baptised. He rescued us from sin by His Passion and Death.”
Matandang kaugalian na ng Iglesya ang pagbibinyag sa mga bata. Turo ni San Agustin, ang mga sanggol na hindi pa binyagan ay nasa ilalim pa ng kapangyarihan ng diyablo. Dahil dito, angkop na maagang pabinyagan agad ang mga bata upang matamo ang biyaya ng Sakramento na pagiging kapatid ni Kristo at tagapagmana ng langit.
Sa huli, tiwala na sa Banal na Sakramento ng Binyag natin tinatanggap ang grasya at pananampalataya, kumbinsido ang Simbahan na “it can only be by IGNORANCE and a distorted faith that many children are deprived, even by their own parents, of the greatest gifts of their lives!”