BINIBIRO na lang kami ni Kuya Ricky Lo nang kinumusta namin pagkatapos siyang inireklamo ni Kris Aquino dahil sa inilabas niyang artikulo na no-show si Bimby Yap sa 1st birthday party ni MJ Yap nina James Yap at Michela Cazzola.

Pati si Michela ay kinausap si Kuya Ricky kaugnay sa pang-iintriga nito.

Hirit ni Kuya Ricky, huwag na siyang imbitahin sa kung ano mga selebrasyon o event nila ni James. Parang magkalimutan na lang siguro sila.

Inilabas na ni Kuya Ricky ang sagot niya sa reklamo ni Kris. Ayaw na niyang mag-comment pa kahit sinasabi ng ilang kaibigang tila nagamit siya ni Kris para mapag-usapan.

Sa ilang kaibigang nakabasa ng artikulong iyun na ginamit si Bimby sa title, agree kami sa komento nilang wala silang nakitang masama sa titulo at sa kabuuan ng artikulong iyun.

Inireklamo ito ni Kris at naglitanya na siya sa Instagram account ng mga punto niya laban kay Ricky.

***

Kahapon ay magkakasunod ang post ni Kris kaugnay sa isyu nilang dalawa:

“@therealrickylo won’t man up & admit his Monday @philstarnews headline had no factual basis.

“Can you fault any mother or father, whether celebrity or non celeb for being proud of their children & wanting to share their love & pride w/ their circle — in our case it’s a much bigger circle?

“Simpleng tanong, may connection ba ang IG pictures namin nila Kuya Josh & Bimb sa Birthday ni MJ?

“Or is this a case of trying to deflect an issue by pinning the blame at someone who tried her best to keep quiet for the sake of peace?

“Harm only comes our children’s way when there are exploitative, unverified headlines.

“And everybody who has bashed Kuya Josh or Bimb on IG has tas­ted the fire of my words in defending them- expressed w/ dignity & based on facts because I was raised to remain polite even when dealing w/ pambabastos…

“I agree though I spent a sleepless night thinking very carefully about the proper amount of exposure I should share about our family life — especially because I’m only now confronting this. “Kuya Josh is a special child & God shielded him from being cognizant of some of the cruelty thrown our way — but Bimb is intelligent, innately curious and even more articulate than his mother.

“And 10-14 years old are crucial years in his intellectual, emotional & psychological deve­lopment.

“Special thanks to Miguel Belmonte for kee­ping communication lines open & understanding my sentiments as a mother.

“Tito Ricky, BINILIN ako ni auntie Betty Go Belmonte sa ‘yo, sana mabalik ang respeto at pagmamahal.”

May isa siyang post na phrase na “Make more moves and less announcements.”

Nasa caption nito, “Says it all… be back SOON.”

May reaction sa post na iyun si Michela ng okay sign na tila agree siya sa kung ano mang moves pa ito ni Kris.

Nag-post si Kris ng picture niya na dilaw ang suot na damit at ang sabi, “Kapag pakiramdam ko na inaapakan ang dignidad ko at ang mga karapatan ng mga anak ko — may isa lang akong ‘secret weapon’ — I REMIND MYSELF KUNG SINO ANG NANAY KO, how much worse she had to endure while raising us, and just like a magic wand – I’m strengthened because courage not weakness runs in my blood.

“I am the mother I am today because I had the BEST role model. #ThankYouMom”

***

Hindi na binabasa ni Kuya Ricky itong mga ipinu-post ni Kris. Pati mga komento at pamba-bash sa kanya ay dedma na lang siya.

Sabi sa amin ni Kuya Ricky, magsasalita na lang siya kapag bumalik na ang Startalk.

Doon niya ilalabas ang saloobin sa isyung ito.