Isang kilos protesta ang isinagawa ng mga kababaihan upang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang regalo sa mga pamilyang Pilipino na isantabi at tuluyan nang idispatsa at huwag hayaan na magkaroon pa muli ng mga karagdagang ‘coal power plants’ na hindi lamang masama ang epekto sa kalusugan kundi malaking pinsala din ito sa kapaligiran at ‘climate change.’
Ang Christmas wish ng mga kababaihan na kinabibilangan ng mga ina ay kasunod ng mga kritisismong ibinato sa Pangulo ng mga pribadong ‘water concessionaires’ nitong nakaraang Linggo.
Sa rally na pinangunahan ng Progressive Women’s group Oriang kung saan ay nagdala sila ng tigka-kalahating pagkain na pang-noche buena na kadalasang inihahain ng mga Pinoy at tanging kahilingan nila sa Pangulo ay huwag nang pahintulutan pa ang pagtatayo ng maruming enerhiya gaya ng mga ‘coal power plants’ sa bansa.
“Today, coal and other fossil fuels dominate our power mix not because they are the best option for consumers, but because contracts for these fuels are most profitable for private power companies,” giit ni Oyette Zacate, tagapagasalita ng Progressive.