Karbon ‘wag aprubahan, konsyumer protektahan

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga konsyumer at mga grupo ng clean energy advocates sa harap ng tanggapan ng Energy Regulatory Commission’s (ERC) upang hilingin na huwag aprubahan ang bagong aplikasyon ng ‘power supply agreements’ (PSA) ng Meralco.

Ang kilos protesta ay isinagawa ng Power for People Coalition’s (P4P) upang harangin at himukin ang pamunuan ng ERC na nagsasagawa ng serye ng pagdinig sa anim na bagong isinusumi­teng aplikasyon sa PSAs nitong December 3.

“Right now, as the application process is still going on, the ERC acts as a floodgate that keeps another onslaught of dirty coal and fossil fuels upon Metro Manila power consumers at bay. We are here to urge the commission to continue doing so by denying the approval of Meralco’s PSAs,” ayon kay Gerry Arances, Convenor of the Power for People Coalition.

Ang PSAs na nauukol sa kontrata ng Meralco sa kanilang Competitive Selection Process (CSP), ay nagsasaad sa kanilang mga ‘bids’ para sa 500 MW capacity habang ang iba naman ay 1,200 MW.