Kardashian inuutakan si Blac Chyna

Kardashian inuutakan si Blac Chyna

Tinanggihan ng rapper na si Blac Chyna na makita ng dating partner na si Rob Kardashian ang kanyang financial records. Natatakot siya na baka gamitin ito ng kanyang ex para sa usapin ng child support.

Ayon sa dokumentong nakalap ng The Blast, kinasuhan ni Chyna sina Kris Jenner, Kylie Jenner, Kim Kardashian at Khloe ng umano’y defamation at pananabotahe ng dapat sana’y reality show na “Rob & Chyna”.

Sinaraan umano siya ng mag-iina sa mga press at milyon umano ang naging damage nito sa kanya. Mariin namang itinanggi ng pamilya ang alegasyon ng rapper.

Pinipigilan naman ni Chyna ang tangkang pagkuha ng kanyang bank records na hinihilang gagamitin sa kanya. Mahigpit na nilalabag nito ang kanyang privacy at hindi na kinakailangan pa dahil nagpasa na umano siya ng kanyang business records.

Nais umano siyang utakan ng Kardashian family sa usapin ng Child support dahil umiskor na siya sa custody battle sa 3-anyos nilang anak ni Rob na si Dream. (Ronaline Avecilla)