Karen, Ted, Marc nakabitin sa DZMM

Magulo umano ang sitwasyon ngayon sa DZMM. Marami ang nagtatanong kung bakit hindi na napapakinggan at napapanood sa nasabing teleradyo ang mga sikat na persona­lidad.

Ilang buwan na ring hindi napapakinggan umano si Ted Failon. Si Ka­ren ­Davila naman, almost two weeks na rin daw. True ba na nakisimpatya si Karen sa pagkawala ni Ted? May tsika rin na overload sa work si Karen kaya binitawan ang kanyang radio program. Totoo bang nagpapataas din ng TF si Ted sa bago niyang kontrata? Matatagalan pa bago siya bumalik dahil inaayos pa ito.

Napapanood pa naman ang mga personalidad na ito sa kanilang mga TV show pero nagtataka ang aming source kung bakit nawala sila sa radyo.

Si Marc Logan umano ay pinalitan ni Kim Atienza. Pero may tsika rin na ita-tandem ito kay Vic Lima.

May kanya-kanyang issue umano ang tatlo sa nasabing radio station.

Bukas ang pahinang ito sa tunay na sitwasyon ng tatlo sa DZMM para sa ikalilinaw ng isyu.