Karera sa Metro Turf itinuloy

Itinuloy ang karera sa Metro Turf sa Malvar sa Tanauan City, Batangas pero maraming karerista naghimutok sa ibinabang statement ng karerahan.
Ito’y dahil sa ipinatupad ng Metro Turf na Precautionary Measures sa mismong araw ng karera kahapon, Biyernes.

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Turf na ididistansya ang mga karerista o guest na pupunta sa karerahan upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa mapanganib na COVID-19.

Ibig sabihin malayo sila sa mismong pista na tatakbuhan ng mga kabayo.

“In the interest of the public health, Metro Turf management will be implementing precautionary measures to ensure safety of everyone within our Racing Complex for the prevention of widespread (COVID-19) virus. Likewise please be advised that our entry point will be limited at the main entrance grandstand. All guests coming to the racing complex are encourage to participate in this campaign,” nakasaad sa ibinabang statement ng Metro Turf.

May mga kareristang nagkomento at hindi pabor sa hakbang ng karerahan ang iba naman ay nagustuhan para na rin sa kanilang kaligtasan. (Elech Dawa)