Ayaw nang ma-pressure ni Karla Estrada sa nalalapit na showing ng pelikula niyang Familia Blondina sa kabila ng alarming situation ngayon sa movie industry na hindi nga kumikita since January na ang Alone Together lang nina Enrique Gil at Liza Soberano ang naka-break.
“Actually, more than the pressure, mas excited ako. Actually, nahihiya na nga akong panoorin nila ‘to, eh. Kasi, ang laki-laki ko dito,” natatawang sabi ni Karla sa presscon ng Familia Blondina.
“Hiyang-hiya ako nun’g napanood ko, diring-diri ako sa sarili ko, ‘yung mga ganun, patuloy niya.
Pero seriously speaking, ani Karla ay very excited daw siya talaga at proud sa movie dahil sobrang nakakatawa raw talaga ito.
“Binigay ko na sa Panginoon ‘yun, eh. ‘Yung aking mga nerbyos, ‘yung aking mga pagka-pressure-pressure, ‘di ba? Kasi kahit anong kaba, kahit na anon’g pressure, kung talagang sa ‘yo ibibigay ‘yan, o kung talagang sa ‘yo ay hindi ibibigay ‘yan, wala tayong magagawa.
“Nagkataon lang ngayon na talagang very positive ang aking pakiramdam, ang pakiramdam namin dito sa pelikulang ito. Simple lang ang pelikula, pampamilya, nakakatuwa at nakakatawa,” sey pa ni Queen Mother na may bagong bansag na ngayon – Comedy Momshie.
Ang direktor naman ng movie na si Jerry Lopez Sineneng ay aminadong sobrang nape-pressure siya.
“Kasi, specially, tama ‘yung sinabi ni direk Erik Matti, the industry is kinda in a dire need now. So we are hoping that we’ll be able to draw in the crowd, to entice our audience to watch, tumawa naman for 2 hours.
“Opo, sobrang nakaka-pressure, inaamin ko naman. Nakakatakot. Pinagdadasal namin ‘to, pinapasa-Diyos na namin,” sey ni direk Jerry.