Karla, pikun-pikunan sa alaska ni Melai

Karla Estrada

Kung nanonood kayo ng Magandang Buhay sa ABS-CBN, mapapansin ninyo na madalas alaskahin ni Melai Cantiveros si Karla Estrada tungkol sa katabaan.
Pikun-pikunan si Karla, pero nakakaaliw ang ‘­tirahan’ nila.

Sa tingin namin, hindi naaasar si Karla kahit na ang topic ay ang katabaan iya.
Parang hindi rin siya nag-e-effort na magpapayat.
Dahil kaya ‘yon sa tsikang gagawin niya ang Barna under Star Ci­nema?

Kung matatandaan, nagkaroon ng tsika noon na sineryoso ng Star Cinema ang biro ni Vice Ganda kay Karla na Barna (Barney na Darna), at gagawing pelikula raw ‘yon.
‘Yun kaya ang dahilan kaya hindi pa nag-e-effort si Karla na magpapayat?

Going back to Magandang Buhay na isa rin sa hosts si Jolina Magdangal, mukhang stable ang kanilang show sa Dos kahit sinasabing palagi silang tinatalo sa rating game ng cartoon shows ng ibang TV networks, huh!

***

NAGKAINTERES kami na panoorin ang isang Korean TV show sa isang cable channel kahapon dahil sa feature nila tungkol sa Korean stars na mukhang hindi tumatanda.
Si Sandara Park ang nanguna sa listahan ng Showbiz Korea.

Sa nasabing feature, sinabing 33 years old na si Sandara at halos sampung taon ang tanda niya sa ibang mga 2NE1, pero hindi halata ‘yon.
Mas bata pa siyang tingnan sa ibang kasamahan niya.

Tama sila dahil sa tuwing nakikita namin si Sandara, halos pareho pa rin ang hitsura niya sa hitsura niya noong 2004 na sumali siya sa Star Circle Quest ng ABS-CBN.

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

Nanatiling love ng mga Pinoy si Sandara kahit wala siyang dugong Filipino dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang Pilipinas.
Ayon sa mga kaibigan ni Sandara, basta rin lang may bakanteng oras ang Koreana, madalas itong dumalaw sa ating bansa.

Madadalas na naman sa bansa si Sandara dahil soon ay isa siya sa magiging judge sa isang search for the next boy band ng ABS-CBN.

***

Kung tama ang kuwento ng isang maka-AlDub, kagabi umalis pa-Morocco sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa pictorial sa dalawang city roon ng isang glossy magazine.

Hindi lang sure kung saan-saan sa Morocco ang pictorial at tila inililihim pa ng nasabing glossy magazine at baka magsuguran doon ang AlDub fans, huh!

Noong nag-shooting kasi sa Italy ng Imagine You and Me ang magka-loveteam, maraming AlDub fans ang nagsuguran doon. Eh kung magsisipuntahan sa picto­rial ang AlDub fans, baka hindi sila maasikaso dahil madalian daw ang da­lawa sa Morocco.

Sabi, malamang na sa Biyernes ay nakabalik na sila sa bansa at mag-Eat Bulaga na uli sa Sabado.

Hindi puwedeng um-absent nang matagal sina Alden at Maine sa Eat Bulaga dahil hahanapin sila ng fans!