Sinagot ni Karla Estrada sa presscon kahapon ng come­dy film niyang “Familia Blandina” ang mainit na usapan ngayon tungkol kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kesyo break na, cool-off or nagkakalabuan.

Ayon kay Karla ay hindi raw break ang dalawa.

“No. For the record, walang ganyan. Hayaan na natin ‘yung mga nag-iisip ng ganyan,” sey ni Karla.
Tungkol naman sa tsikang magpapalamig si Daniel sa Nueva Ecija nang hindi kasama si Kathryn, heto ang paglilinaw din ni Karla.

“Si Daniel ay hiningi niya sa Star Cinema, actually, sa mga boss niya sa ABS-CBN, ang buong February ng pagre-relax. So, ngayon, bakasyon-bakasyon. Kasama si Kathryn. ‘Yun lang ang puwede kong sabihin.

“And then, pagbalik, pupunta naman siya sa ibang bansa kasama naman ‘yung kapatid niyang Carlito, and then, ‘yung daddy ni Carlito na si Naldy Padilla. At saka ‘yung isang pinsan ko na si Marco.

“So, talagang ibabakasyon niya ‘yung buong Feb, dahil after that, March, mag-expect tayo ng dalawang pelikula na gagawin,” pahayag ni Karla.

Ito ba ‘yung movie with Sharon Cuneta?

“Mag-expect lang muna tayo, oo,” sey niya at nagkatawanan.

Sinagot din ni Queen Mother ang tungkol sa insidenteng na-unfollow ni Daniel si Kathryn sa Instagram.
“Wala, natawa lang ako. These things really happen sa mga magkakarelasyon and maganda naman do’n, na-explain naman ni Kathryn na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow or. . . ‘di ba, parang ganu’n?

“Kami, tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yang mga bagay na ‘yan. Hindi naman daw niya sinasadya, ‘di ba, she was saying? But of course, huwag na tayong manghimasok do’n, hayaan na natin sila sa mga ganu-ganu’n nila, ‘di ba?

“Basta’t ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa buhay-pamilya niya at lalong-lalo na sa kanyang buhay-trabaho,” she said.

Samantala, showing na sa Feb. 27 ang “Familia Blandina” mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Kasama rin sa movie sina Jobert Austria, Marco Gallo, Kira Balinget, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela. Ito ay produced ng Arctic Sky and distributed by Cine Screen.