TAMA ang paalala posting ni Karla Estrada sa social media kaugnay sa hamunan ni Paul Salas at anak niyang si Daniel Padilla.

Tweet ni Estrada, “Tama na guys. Matulog tayo ng matiwasay. Lilipas din lahat ‘yan. At tayo tayo rin ang magkikita sa dulo.”

Nawa’y calmer heads will come forth pagkatapos matulog and after a cold shower, perhaps?

There is wisdom sa tweet ni Karla. Na dapat ‘wag magpadala sa mga emosyon. ‘Wag magpadalus-dalos.

Tama ang matandang kasabihan, na “itulog” muna ang mga ‘yan.

Daniel Padilla
Daniel Padilla

Makinig nawa si Daniel sa nanay niya. Siya ang mas nakakatanda sa kanilang dalawa ni Paul kaya dapat mas mahaba ang pang-unawa at ­pasensya niya.

Sa parte ni Salas, nawa’y ang mga magulang nito ay pangaralan din ang kanilang anak tungkol sa kagandahang-asal at sa tamang postings para hindi mabigyang-kulay ng mga makakabasa.

Sa mga kaibigan at kasintahan of both parties, SHUT UP na lang kayo.

Don’t add fuel to the fire anymore.