NASA taping kami kahapon ng Magandang Buhay kung saan isa si Karla Estrada sa mga host.

Nakatsikahan namin doon ang isang malapit sa nanay ni Daniel Padilla at tinanong namin ang taong ‘yon tungkol sa tsikang tatakbong alkalde ng Tacloban City si Karla sa 2019 elections.

Madalas kasi sa Tacloban City ngayon si Karla at may mga ginagawa siyang cha­rity roon.

May episode rin ang Magandang Buhay first anniversary kung saan ay tampok ang Tacloban City.

Pero sabi ng malapit kay Karla, “Hindi pa. Hindi tatakbong mayor ng Tacloban City. Sa ngayon kasi, naka-concentrate siya sa kanyang career pati sa career ni Daniel.

“Siguro kung tatakbo talaga si Karla, sa 2022 elections pa!”

Pero ang tsika, maraming mga nasa mundo ng pulitika sa Tacloban City ang kumukumbinsi kay Karla na tumakbong alkalde ng nasabing lungsod.

***

First time naming nakita nang malapitan si Maymay Entrata (big winner ng PBB season 7) noong Linggo pagkatapos niyang mag-promote ng La Luna Sangre.

Nakasabay namin siya sa labas ng isang coffee shop sa may ABS-CBN arcade.

In fairness, pinagka­kaguluhan talaga siya ng fans, huh!

After magpa-picture ang fans kay Maymay, nagpaalam na siya sa mga ito dahil may lakad pa raw siya.

Nang madaanan kami ni Maymay, bumati siya sa amin, “Hello po, good afternoon, Sir!”

Nginitian namin si Maymay pagkasabi niya no’n sa amin at naisip namin na mabait pala siya.

May iba kasing mga baguhang artista na katulad ni Maymay na ilang beses na naming naiinterbyu sa mga presscon, pero kapag walang event ay parang hindi kami kilala at hindi marunong mambati.

***

Sarah Lahbati
Sarah Lahbati

Kung sa premiere night ng Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz ay si Richard Gutierrez ang nag-surprise kay Sarah Lahbati, sa guesting naman ng huli kahapon sa Magandang Buhay, si Raymond Gutierrez ang nag-surprise sa kanya.

Akala ni Sarah, hindi talaga puwede si Raymond sa guesting na ‘yon sa Magandang Buhay.

“Naniwala rin ako kay Mond na hindi siya puwede, pero touched ako dahil nag-effort siya na magpunta sa ABS-CBN para i-surprise ako sa Magandang Buhay,” sey ni Sarah.

Sabi ng lovey-dovey ni Richard, bilib siya sa effort ng pamilya Gutierrez sa pagsu-support kapag may mga proyekto siya kaya siya man ay grabe ang pagmamahal at suporta sa pamilya.

Malaking bagay kay Sarah ang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz, kaya umaasa siya na sa first day ay hindi lang si Richard ang makakasama niya sa panonood kundi ang buong pamilya Gutierrez mismo.

***

Mamaya na ang finale ng Meant To Be.

Umaasa pa rin ang fans ni Ivan Dorschner na mababago ang ending ng kilig serye at hindi matutuloy ang unang na­balitaan nila na ang cha­racter ni Ken Chan ang makakatuluyan ng cha­racter ni Barbie Forteza.

Pati ‘yung sinasabing movie nina Barbie at Ken, sana raw ay isama na lang doon si Ivan at ga­wing triangle ang istorya.

One Response

  1. If Karla Estrada decides to run for public office, say as Tacloban Mayor, she will introduce safe seks and decriminalize bigamy, adultery and concubinage. Having sired 4 children with different fathers Karla has the guts to face the city’s woes after Yolanda. One of them is to increase its population by letting the people copulate with any body at their own discretion without any legal or moral responsibility.
    I really admire Karla. 4 kids, 4 fathers! Had it not been her biological limitation she could have sired at least 12 kids from 12 different fathers. How (im)moral that woman!